top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

BAGO CITY THROWER AT ANTIQUE TANKER, TIG-3 GOLD SA VISAYAS BATANG PINOY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 27, 2019
  • 2 min read

ILOILO CITY- Tatlong ginto ang sinisid ni Guiliver Clive Clemente ng Antique at tatlo kay Kate Julienne Martinez ng Bago City sa athle­tics habang humakot ng ginto sa archery ang mga ba­tang pambato ng Duma­guete City sa ikalawang araw ng kompetisyon dito ng 2019 Batang Pinoy na ginaganap sa paligid ng Iloilo Sports Complex.

Ang 14-anyos na si Cle­mente ay nagwagi sa boys’ 400m individual medley sa 5 minuto at 18.92 segundo para idagdag sa panalo nito sa 50m breaststroke (33.48s) at 200m IM (2:26.75s) upang pamunuan ang mga maaagang multi-gold medalist sa torneo para sa in at out of school youth. Ang Grade 8 sa Antique National School ay tangka ang dalawa pang ginto sa pagsabak ngayon sa 100m at 200m breast. “Gusto ko po makalimang ginto,” sabi ni Clemente na taga-San Jose, Antique.

Dalawang ginto naman ang iniuwi ni Prisa Helen Lofranco ng Dumaguete Ci­ty sa pagsisimula ng archery sa Cadet girls 30m at 40m events. Ikalawang pagkaka­taon na lumahok ang 14-anyos na si Lofranco sa tor­neo para sa mga edad 15 pababa na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC). Tatlong event pa ang nakahanay para Kay Lo­franco, ang 50m, 60m at Olym­pic round kung saan inaasahan niya na makakuha din ng ginto.

Bukod Kay Lofranco, dalawang ginto rin ang iniuwi ang kakampi nito na si Naina Tagle sa Cub girls 20m at 30m, habang nagwagi naman sa Yeoman event girls si Danielle Bajado. Tatlong ginto din ang nasiguro ng Bago City pride na si Kate Julienne Martinez sa kan­yang unang dalawang events na shot put at discuss throw bago dinomina ang javelin throw (girls) sa 27.70m. Sa­mantala nakasungkit din ng ginto si Joven Jacob ng Neg­ros Occidental sa 2000m walk (boys) sa kanyang tinapos na 12:36.3 minuto sa orasan.

Sa taekwondo ay sumik­wat din ng tig-iisang ginto ang apat na pambato ng host City na Iloilo sa events ng Flyweight, Featherweight, Lightweight at Heavyweight boys division. Nagwagi si Kyle Chin sa Flyweight, ha­bang si Seth Hendrick Por­quez naman sa Featherweight. Panalo din si Jake Christian Manigo sa lightweight ha­bang si Bill Donton III naman sa heavyweight. (MC / ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page