top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

3 dedo sa motor

Jeff Tumbado
Feb 27, 2019
1 min read

TATLONG motorcycle riders ang nasawi sa nangyaring magkahiwalay na aksidente sa kalsada sa Pangasinan at Ilocos Norte.

Namatay habang isinusugod sa ospital sa Batac, Ilocos Norte ang 27-anyos na si Roland Madarila matapos sumemplang ang motorsiklo na kanyang inaangkasan sa bahagi ng Bgy. Bil-Loca alas-12:45 ng hatinggabi ng Martes.

Sa imbestigasyon ni PO2 Mark Lawrence Yapit, mabilis umanong pinatatakbo ang motor ng driver na si Hafid Malagar sa northbound lane ng Manila North Road at pagsapit sa pakurbadang daan ay nawalan na ito ng kontrol hanggang sa mahulog sila sa taniman ng mais.

Kritikal ang kondisyon ni Malagar na nananatiling nasa emergency room ng ospital habang si Madarila ay namatay noon din sa maisan.

Sa Pangasinan, dead-on-the-spot sina Melchor Inocencio, 22, at Mark Lawrence Cadaon, 21, makaraang sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa metal railings sa Bgy. Sumabnit alas-9:20 ng gabi ng Lunes.

Tumilapon ang dalawa mula sa kanilang motorsiklo kung saan nagtamo ng matinding pinsala ang kanilang ulo na siyang dahilan ng pagkasawi ng mga ito.

Kapwa umano walang suot na helmet ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page