top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

‘Nangunguha’ ng mga bata, huli

V. Reyes
Feb 27, 2019
1 min read

ARESTADO ang isang lalaki na nagtangka uma­nong mandukot ng mga bata sa Quezon City, Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Norly Rafael na nadakip ng mga pulis sa Bgy. Common­wealth.

Kinompronta ang sus­pek ng mga magulang ng limang batang bibiktimahin umano sana nang magkaha­rap ang mga ito sa National Capital Region Police Office sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Namukhaan ng mga ma­gulang ang lalaki sa isang larawang naging viral sa on­line na nagtangkang man­dukot ng mga menor-de-edad sa Riverside Street sa nabanggit na barangay.

Sa viral photo, may ha­wak na gitara ang suspek at bahagi umano ng modus operandi nito na magba­hay-bahay at kumanta para ma­tiktikan kung may bata na pupuwede nitong dukutin.

Nag-aalok umano ang suspek ng tsokolate at barya sa mga bata para mahikayat nitong sumama sa kanya.

Muntik na umanong ma­tangay ng suspek ang ilang bata sa Bgy. Commonwealth na naudlot nang makita ng kapitbahay ang panghihika­yat nito.

Itinanggi naman ni Ra­fael ang alegasyon laban sa kanya at iginiit nitong isa lang siyang construction worker.

Sideline umano nito ang kumanta sa mga bahay para pandagdag na panustos sa kanyang walong anak.

Sinabi pa ni Rafael na sinaktan siya ng mga pulis at binalot ng plastic ang muk­ha para puwersahing umamin. Nahaharap na ang suspek sa kasong kidnapping.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page