PINAY TANKER MOJDEH, WALA NANG DUDA PINAKAMAHUSAY NA ATLETA SA ‘PINAS
- MC / Clyde Mariano
- Feb 26, 2019
- 2 min read

KUNG may nagdududa pa sa kakayahan ni Micaela Jasmin Mojdeh, ngayon ang tamang panahon para mabago ang pananaw.
Pinatunayan ng 12-anyos na swimming sensation ang kakayahan na makapagbigay ng dangal at karangalan sa bansa sa isa pang kahanga-hangang performance sa pamosong Water Cube – ang National Aquatics Pool kung saan naitala ni American star Michael Phelps ang Olympic history na walong gintong medalya – matapos makopo ang walong ginto, tampok ang pitong bagong meet record sa Beijing All-Star Swimming Championship nitong weekend.
Nanguna ang pambatong swimmer ng Philippine Swimming League (PSL) sa girls 11-12 division sa 200-meter fly (2:17.89), 200-meter Individual medley (2:25.68), 200-meter breast (2:43.51), 100-meter fly (1:04.67), 100-meter IM (1:09.85), 50-meter fly (29.41) at50-m breast (36:13) na pawang meet record.
Nadomina rin ng Grade school student ng Immaculate Heart of Mary College-Parañaqueang girls 11-12 division sa 100-meter breast (1.17.77). “Masayang-masaya po talaga si Jasmine.
Hindi niya akalain na magagawa niya ‘yung dream niya. When we first came to Beijing last year for a quick tour I was teasing her playfully that may the force of Michael Phelps Beijing version be blessed upon her as she visited the historic Water cube here.
“After a year, I never even thought of her competing in Beijing and sweeping 8 gold medals and breaking 6 records carving her name in the walls of ISB.
It may not be the Olympics but it isvery reminiscent of how Phelps won 8 golds in 2008 Beijing Olympics,” pahayag ng ina ni Jasmine na si Joan Mojdeh.
Batay sa record ng torneo, si Jasmine kasama ang kasangga na si Julia Basa ang unang Pinoy swimmers na nakapagtala ng marka sa kompetisyon na nilahukan ng walong bansa kabilang ang Japan at host China.
Hataw din si Basa ng dalawang ginto, tampok ang bagong meet record sa 200-meter back (2:45.10), at tatlong silver sa 200-meter free (2:28.28), 100-metr back (1:29.31) at 50-meter back (36:28).





Comments