top of page

Para hindi maging biktima ng mandurukot gang.. Panawagan sa mga magulang, mga anak na mahilig maglar

  • Ryan B. Sison
  • Feb 26, 2019
  • 2 min read

“PUTING van”, ito ang madalas na ginagamit ng mga kawatan sa pandurukot ng mga kabataan kung saan pinaniniwalaang dito sila isinasakay at dinadala sa mastermind ng nasabing pangyayari.

Kaya naman, nagpaalala ang mga awtoridad hinggil sa isyu ng dumaraming bilang ng mga bata na dinurukot ng mga masasamang-loob.

Gayunman, hindi lang mga bata ang napagdidiskitahan ng mga ito kundi maging ang mga kabataang babae na madali umanong nauuto at napapasama kung saan-saan.

Sa ngayon, bagama’t, unti-unti ng nahuhuliang mga suspek na wanted sa nasabing krimen, nakababahala pa rin, lalo na sa mga magulang na may anak na madalas ay napababayaan sa lansangan kung saan sinasamantala ang pandurukot na ginagawa sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kaya naman dapat tayong maging maingat at mapagmatiyag nang sa gayun ay makaligtas tayo sa kapahamakan na dulot ng mga taong kumakapit sa patalim para lamang mabuhay.

Samantala, maging maalam din sa hitsura ng mga suspek nang sa gayun ay mabilis silang matunton, maisumbong at maiwasan na makapambiktimapa sila ng iba.

Kaya para sa mga magulang na natatakot para sa seguridad ng kanilang mga anak, doble-ingat ang ating kailangan dahil hindi natin masasabi ang mga nangyayari sa kasalukuyan.

Gayundin, sa mga kabataang mahilig gumala o lumabas ng bahay ng hatinggabi, iwasan na munang maglakwatsa nang sa gayunay hindi na mapahamak pa!

Kaya ang hiling natin sa kapulisan, paigtingin ang seguridad para sa mas ligtas na pamumuhay ng mamamayan sa ating bansa!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page