Pagpapalawak ng nonformal education sa bansa, suportahan!

ANG Alternative Learning System o ALS ay programang pang-edukasyon ng gobyerno na naglalayong matulungan ang mga out-of-school youth, manggagawa, may kapansanan, nakalaya sa bilangguan, dating rebelde ng gobyerno, katutubo at iba pang hindi nakapasok sa paaralan o hindi nakapagtapos ngunit, nagnanais matuto at magpatuloy sa pag-aaral.
Nakilala ang ALS bilang non-formal educationnoong 1984 kung saan unang hinangad ang paglilinang ng teknikal na kapasidad ng mga mag-aaral upang magamit nila ang mga natutunan sa kanilang magiging trabaho sa hinaharap.
Ang pag-aaral sa ALS ay isinasagawa sa Community Learning Center (CLC) sa bawat siyudad o munisipalidad sa buong bansa na mayroong sariling CLCs na binubuo ng mga guro o mas kilala sa tawag na instructional manager.
Dito ay tuturuang magbasa at magsulat ang mga estudyante na wala pang karanasang mag-aral sa pamamagitan ng Basic Literacy Program.
May mga klase na tutulong na humasa sa kakayahan ng mga estudyante sa paghahanap buhay tulad ng pagluluto, dressmaking, hairdressing, handicraft at marami pang iba.
Ang mga nakapagtapos ay kukuha ng pagsusulitupang makakuha ng certificate na katumbas ngelementary o high school diploma.
Isa sa mga programang maaaring kunin ng mgamag-aaral tulad ng livelihood program ay kakailanganing kumuha ng pagsusulit upang makakuha ng National Certificate (NC) sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Kapag nakapasa sila sa pagsusulit ay mabibigyan ng TESDA Certificate upang makakuha ng trabaho sa Pilipinas, maging sa ibang bansa.
Ngunit, sa kabila ng sama-samang inisyatibo at magagandang educational programs na umuusbong sa bansa, iniulat noon ng United Nations Educational,Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na ang Pilipinas ay nahuhuli sa target initiative na Education For All (EFA) upang makamit ang nilalayong 2015 Millennium Development Goal.
Ito ang dahilan na matindi ang ating pangangailangan na palaganapin pa lalo sa bawat sulok ng bansa ang mga programang tulad ng ALS kaya ating binuo ang panukalang-batas na Senate Bill No. 205o The Alternative Learning System Act.
Pangunahing adhikain ng nasabing panukala ay maihatid ang non-formal education sa bawat barangay,kabilang ang miyembro ng indigenous people, cultural minorities at mga tribu at may mga kapansanan.
Walang pinipiling lugar ang pagiging out-of-school youth.
Nasa bundok man nakatira sa malalayo oliblib na lugar maaari pa ring mag-enrol sa ALS angsinuman.
Upang maipagpatuloy ang pagpapatupad ng programa, ang pondo ay kukunin sa ilang porsiyento mula sa Special Education Fund sa ilalim ng Sections 235 at 272 ng Republic Act No. 7160 o Local Government Code of 1991.
Kaakibat ang Department of Education (DepEd),nais nating maipamahagi sa mamamayan angkarapatang matuto at makapag-aral kahit wala silang kakayahang makapasok sa tradisyunal na pag-eeskuwela dala ng iba’t ibang sitwasyong kanilang hinaharap.
Anuman ang estado sa buhay, may karamdamanman, kapus-palad o may mga inaalagaang anak, ay mayroon pa ring karapatang matuto at maging matagumpay sa buhay.
May katanungan ka ba, reklamo o naisihingi ng tulong? Sumulat sa WIN TAYONG LAHAT ni Kuya Win Gatchalian, BULGAR Bldg., 538 QuezonAve., Quezon City o mag-email sa surewin.bulgar@gmail.com





Comments