top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PACQUIAO, JANUARY TOPS ATHLETE OF THE MONTH

  • MC
  • Feb 26, 2019
  • 1 min read

BILANG pagpupugay sa kanyang patuloy na tagumpay, hinirang ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) si world boxing champion Manny Pacquiao bilang “TOPS Athlete of the Month” para sa buwan ng Enero.

Ang unanimous decision na panalo ni Pacquiao laban kay Adrien Bronner sa kanilang WBA welterweight championship sa MGM Grand sa Las Vegas noong Enero 19 ay nagbigay sigla sa Philippine sports sa buwan ng Enero, ayon sa TOPS, “Ang nasabing panalo ni Pacquiao ay naging magandang panimula rin para sa mga atletang Pilipino na sasabak pa sa mga laban ngayong taon,” ayon sa isang resolusyon na nilagdaan ng mga officers at miyembro.

Ang iba pang mga atleta na nakonsidera rin ng TOPS para sa kanilang monthly citation ay sina rising tennis star Alexandra Eala at boxing champion Al “The Rock” Toyogon.

Si Eala ay dalawang ulit na naging runner-up sa dalawang international tournaments na ginanap sa India upang umibayo ang kanyang International Tennis Federation ( ITF) junior ranking sa No. 162 mula No.218.

Nag-runner-up ang 13-taong-gulang na si Eala sa DKSITF Junior Championship sa Kolkata at India ITF Juniors sa New Delhi noong nakalipas na buwan.

Samantala, tinalo ni Toyogon ang kalabang si Ryusei Ishii ng Japan sa “Night of Champions” noong Enero 26.

Ang TOPS ay binubuo ng sports editors, reporters at photographers ng mga pangunahing national tabloids.

Ang TOPS din ang presentor ng “Usapang Sports”, ang weekly sports forum na itinataguyod din ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Press Club (NPC).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page