top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Modus ng mga sindikato sa pagnanakaw ng motorsiklo, buking!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 26, 2019
2 min read

NABUKING ng kapulisan ng Manila Police District Anti-Carnapping Unit ang modus ng grupo ng mga carnapper na namamayagpag ngayon matapos mahuli ang dalawa nitong miyembro sa Maynila.

Personal na nagtungo sa MPD-ANCAR ang biktima upang sampahan ng reklamo ang nahuling suspek na si Ralph Joseph Dingle alyas Rap-rap at Boy Picklock.

Dahil umamin ang suspek sa karumal-dumal na gawin sa pangangarnap na ginagamitan nila ng pick lock ang kinakarnap na motorsiklo kahit wala itong susi habang nakaparada ay kanya rin itong ibinulgar na grupo silang gumagawa nito sa Kalakhang Maynila.

Dahil sa pag-amin ng suspek, agad nagtalaga ng crack team sa pangunguna ni Chief Inspector Salvador Tangdol, hepe ng MPDANCAR kasama sina SPO2 Jorge Izon, SPO2 Avin Chong, PO3 Clyde Villareal, PO3 Regan Arellano at PO3 Sherwin Solis kaya naaktuhan at muling inamin ng suspek na kapag natangay na nila ang motorsiklo matapos gamitan ng pick lock ay nilalagyan nila ng pekeng susi ang ignition para kapag nasita sila ng awtoridad ay may nakalagay na pekeng susi ang ignition para hindi sila paghinalaang karnap ang motorsiklo.

‘Yan ang modus ng grupong ito na namamayagpag ang iba pa nilang kasabwat sa kanilang raket na pangangarnap ng motorsiklo.

Sa mga ka-BULGAR nating nagmamay-ari ng motorsiklo lalo na kung modelo, tripleng pag-iingat ang gawin ninyo sa inyong mga sasakyan dahil ang mga karnaper ay walang pinipiling oras at araw kapag sumasalakay.

Lahat ng kailangang pag-iingat sa inyong sasakyan ay gawin ninyo para hindi kayo mabiktima ng mga hinayupak na carnapper na pick lock ang ginagamit.

Ikaw kaibigan, anong seymo? Laging tatandaan,walang maloloko kung walang magpapaloko! Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page