top of page

Ka-love team, soulmate raw niya… SIGAW NI EDWARD: 'PAG WALA NA SI MAYMAY, BABU NA RIN AKO SA SHO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 26, 2019
  • 2 min read

TIME flies so fast at two years na pala ang MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber) love team.

In their 2 years journey, marami nang na-achieve ang dalawa at so far, wala kang makikitang pagbabago sa kanila. They have remained as humble as when they were still inside the PBB house.

Comic character pa rin si Maymay at si Edward naman ay mukhang seryoso pa rin pero kitang-kita mo ang kabaitan nito.

Ini-insist ni Boy Abunda na mag-boyfriend-girlfriend sila, pero both were firm in admitting na mag-soulmate at mag-bestfriend lang sila.

Inamin ni Maymay na suwerte siya sa pagkakaroon ng isang friend na tulad ni Edward na mabait at mapagpasensiya sa kanya.

On the other hand, Edward says, “I learned a lot from Maymay. If I have knowledge, mas may wisdom kesa sa akin si Maymay.”

Nakakatuwa ’yung tanong ng TV host na alam niya raw na pabor kay Edward ang lola ni Maymay at dahil dito, susundin daw ba ng aktres ang kagustuhan ng lola niya?

Yes or no ang kailangang isagot ng dalaga as dictated by Boy. Oo ang naging sagot ni Maymay pero nagkuwento silang dalawa ng circumstance noon nang isinama niya sa bahay nila ang binata.

Napag-usapan nila si Edward at sinabi nga raw ng lola ni Maymay na gusto niya ang aktor para sa apo. Then Edward approached Maymay’s lola and told her, “I promise to take care of your granddaughter.”

Alam daw ng lola niya na wala silang relasyon ni Edward, pero ang sabi raw nito sa kanila, “Huwag kayong magmadali.”

Although insistent ang dalawa na walang pagmamahalang namamagitan sa kanila except friendship and being soulmate, parang umaasa si Boy Abunda that eventually they will end up as boyfriend and girlfriend.

Pero sa ngayon, the duo look so comfortable with one another at parang ‘yung mga kilos nila ay walang pretensions. Walang kaplastikan kumbaga. At pareho silang family-oriented. Maymay’s wish is to be able to spend several days with her mom and two brothers.

“Nandu’n na sila sa Japan at gusto kong makasama sila at mamasyal,” sabi ni Maymay.

Si Edward naman wants to spend quality time with his family kung saan nabibigyan niya ito ng pansin at atensiyon.

Kasi minsan daw, kahit magkakasama sila, ‘di naman lubus-lubos na naka-focus ang atensiyon niya sa mga ito.

Other trivia na natuklasan namin sa dalawa, “Dodong” pala ang tawag ni Maymay kay Edward. It’s a Visayan nickname for Eduardo, ‘di ba?

At totoo bang sinabi ni Edward na kung wala na raw sa showbiz si Maymay ay aalis na rin siya? Is this also true in the case of Maymay?

Sabi ng dalaga, “Magrarampa na lang ako.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page