Digong umamin | POLITIKA, KONTROLADO NI SARA

AMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang siyang may kontrol sa mga desisyon kaugnay ng ilang importanteng isyu sa politika.
Sa kanyang talumpati sa pamamahagi para sa mga beneficiary ng mga unconditional cash transfer sa Cebu City, inamin ng pangulo na ikinagulat niya ang ilang desisyon ngunit, wala naman umano siyang magagawa dahil si Mayor Sara ang nagplano nito.
“But, now, Inday is the one taking the lead. Inday is the one who controls the poli… Wala na ako, eh. I know that after three years, wala na talaga ako.
I will no longer be able to run and you will also not be able to tell Inday what to do,” pahayag ng pangulo.
“Have you seen Inday? Alvarez was just kidding around. But I can also impeach him. So, if you will make a joke, don’t joke around with someone who has a father, mother, sibling and children behind her. You better watch out,” ayon pa sa pangulo.
“If you go to Davao, you have to go about it carefully. I beat people up too but Inday is worse than me,” babala ng Punong Ehekutibo.
Matatandaang, noong nakalipas na taon, inamin ng pangulo na si Mayor Sara ang utak sa pagpapatalsik kay Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez bilang House Speaker.





Comments