top of page
Pokwang.jpg

BACLAGON, MALAKAS ANG KAMPANYA SA ASIAN YOUTH JUDO AT CADET C’SHIPS

Clyde Mariano
Feb 26, 2019
1 min read

LUMAKAS ang medal campaign ng judo sa Southeast Asian Games sa pagkasama sa bagito at mayangking likas na galing si George Baclagon kamakailan na nanalo ng dalawang pilak sa Asian Youth Judo at Asian Cadet Judo Championships na ginawa sa Hong Kong na nilahukan ng mga judoka galing sa mahigit 20 bansa.

Ayon kay Philippine Amateur Judo Association(PAJA) president Dave Carter, lumakas ang tsansa ng judo sa SEA Games sa pagkasamang 17-anyos na anak ng mag-asawang taga-Alcala, Cagayan. “The inclusion of Baclagon indeed bolstered our medal quest,” sabi ni Carter sa panayam matapos dumalo sa Phisgoc (Philippine Southeast Asian Games Committee) meeting sa Philippine Sports Commission.

Puntirya ni Carter ang tatlo o apat na ginto at kumpiyansa ang accredited international judo judge na kayang gawin dahil ang apat na Filipino-Japanese ay kasama sina Asian Games silver medalist Kiyomi Watanabe, Mariya Takahashi at ang magkapatid na Shugon at Kesei Nakano na pawang medal producers.

Dinomina ni Watanabe ang kanyang division sa SEAG mula 2013 sa Myanmar hanggang 2017 sa Malaysia kung saan nanalo rin ng ginto si Takahasi at nakakuha rin medalya ang magkapatid na Nakano.

Inaasahang muling dodominahin ni Watanabe ang kanyang dibisyon.

Nanalo si Watanabe ng pilak at dalawang World Judo competitions na ginawasa Paris, France at Austria.

Ang apat na Filipino-Japanese ay nag-eensayo sa Japan kung saan sila naninirahan bilang paghahanda sa SEAG na aarangkada sa Nobyembre sa New Clark City Sports Complex, Pampanga.

Umaasa si Carter na mahihigitanang tatlong gintong nakuha noong 1993 dahilang kanyang mga judoka ay may kakayahang manalo at beterano na sa maraming international judo competitions.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page