ALAB PILIPINAS SINAGPANG ANG MONO VAMPIRE SA ABL

TINUSTA ng defending champion San Miguel Alab Pilipinas ang Mono Vampire Basketball Club, 78-59 upang manatiling nasa ibabaw ng kartadang ASEAN Basketball League na idinaos sa Stadium 29, Nonthaburi, Thailand noong Sabado ng hatinggabi.
Ito ang rematch ng kanilang finals noong nakaraang season, pero sa ngayon ang team ay may magkaibang rosters.
Nawala si Sam De Guara na lumipat sa HongKong Eastern, humina ang galaw ng Mono Vampire kontra Alab na ngayon ay pinalakas pa ang mga laro nina PJ Ramos, Caelan Tiongson, at Evan Alvano.
Pero ang Alab vet na si Renaldo Balkman ang namuno para sa San Miguel na nakapagsalpak ng 31 puntos, 6 rebounds, 4 steals at 2 assists.
Si Ramos ay naging dominante rin sa double double effort na may 16 points, 19 rebounds at 7 assists.
Dumagdag si Ray Parks ng 9 puntos, 6boards, 5 assists, at 2 steals. Gumagana sa MonoVampire si Romeo Travis, pero ang dating Magnolia import ay nakaupo dahil sa injury.
Sa naturang panalo, nakapagbulsa na ngayon ang Alab ng 16 panalo sa 19 laro.
Habang ang Mono Vampire na sumagupa sa Alab sa finals ng nakaraang season ay lagpak sa 5-14.





Comments