300-KILO NG DROGA, NASABAT
TINATAYANG aabot sa 300-kilo ng heroin na nagkakahalaga ng $17 million ang nasabat sa isinagawang raid ng mga awtoridad sa Sri Lanka.
Gayunman, dalawa katao ang arestado sa naturang raid sa carpark ng isang mall sa Colombo.
Nakuha ng pulisya ang 272 palastic bags ng heroin sa loob ng dalawang vans kung saan ito ay may bigat na 294.4 kilos at nagkakahalaga ng 3 billion rupees o $17 million.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon kung paano nakapasok sa bansa ang iligal na droga.





Comments