Trabaho, alok ngayong People Power anniversary


KASABAY ng ika-33 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, trabaho naman ang alok ng gobyerno.
Isang job fair sa pangunguna ng Department of Labor and Employment (DOLE), kasama ang EDSA People Power Commission at National Historical Commission of the Philippines, isasagawa ang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan job and business fair sa Starmall sa EDSA-Shaw ngayong araw.
Nasa 20,000 trabaho sa bansa at sa overseas ang alok ng 50 employers at recruitment agencies.
Sa local, nangangailangan ng production machine operator, production workers, customer service representative, steelman, electrician, product promodizers at iba pa.
Samantala, laborer, nurse (general), welder, pipefitter, carpenter, technician (electrical/mechanical), foreman, steelfixer, IT engineer at waitress naman ang mga bakante sa ibang bansa. Ilan sa countries of destination ay Estados Unidos, Canada, South Korea, Japan, New Zealand, Malaysia at Brunei Darussalam.
Kaya sa mga naghahanap ng kayod, baka ito na ang pagkakataon ninyo.
Sa panahon ngayon, sa rami ng ating mga ipinaglalaban mula sa kaliwa’t kanang taas-presyo ng mga bilihin at serbisyo hanggang sa mga isyu sa politika at lipunan, kailangan din nating dumoble-kayod para sa ating pamilya at para na rin sa kinabukasan ng bayan.





Comments