top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Taliwas sa ipinagyayabang ng mga dilawan, si Enrile ang lider ng kudeta hindi si Cory

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 25, 2019
  • 2 min read

TUMANGGI si P-Digong na palayasin ang mga obrerong mula sa China.

Puwede raw sila, basta legal!

◘◘◘

SUMAKAY lang ng train si Kim Jong Un patungo sa Vietnam.

May balita rin patungo na si Donald Trump sa Vietnam, sakay ng pedicab!

◘◘◘

DALAWA ang patay sa kaguluhan sa Venezuela dahil sa panghihimasok ng mga dayuhan.

‘Yan din mismo ang naranasan ng Pilipinas, 33 taon na ang nakararaan!

◘◘◘

IBINUNYAG mismo ng katropa nating si Bobi Tiglao na umamin ang isang U.S. agent na ipinatupad nila ang black propaganda sa aklat na “Alpha dogs”.

Gamit ang malaking badyet at media, inilarawan si dating Pangulong Marcos bilang “korup at diktador”!

◘◘◘

HANGGANG ngayon, ‘yan pa rin ang propaganda na ginagamit ng mga anti-Marcos kahit 33 taon nang bayad ang mga “naunang may-akda” ng mga special operation.

Idinetalye ng propagandista ang detalye ng maniobra na nagsisilbing ebidensiya ng mga iskolar!

◘◘◘

TALIWAS sa yabang ng mga dilawan, hindi si Tita Cory ang lider ng kudeta kundi si dating Defense Secretary Juan Ponce Enrile.

Ikinumpisal ni Enrile ang kanyang pagtalikod kay Makoy sa kanyang autobiography!

◘◘◘

NAKIPAGTULUNGAN si dating AFP Vice-Chief of Staff Fidel Ramos kay Enrile para mapigilan ang opensa ng dating pangulo gamit ang AFP.

Batay sa dokumento, iniutos ni Makoy kay AFP Chief Fabian Ver na i-disperse o buwagin ang ralista, pero huwag na huwag papuputukan.

‘Yan mismo ang dahilan kaya dumami ang “tao” sa EDSA!

◘◘◘

HINDI kuwalipikado si Tita Cory na kumandidato noong 1986 sapagkat batay sa 1935 at 1973 Constitution, maaari lamang magsumite ng COC ang kandidato kapag may 10-year residency period.

Nakatira si Tita Cory sa U.S. mula noong 1980 nang samahan ang kanyang mister na si “Ninoy” na may sakit sa puso.

Hindi kinuwestiyon ni Makoy ang isyu dahil sa paniniwalang hindi magwawagi si Tita Cory!

◘◘◘

IDINEKLARA ng Comelec na nagwagi si Makoy at naiproklama nang may 1.5 milyong lamang ng boto kay Tita Cory.

Pero, itinigil ng NAMFREL ang “sariling canvassing” at inilabas na nagwagi si Tita Cory nang may 500,000 boto higit kay Makoy!

◘◘◘

SUMAKAY sa U.S. helicopter si Makoy bandang 9:30 ng gabi sa Malacañang sa pasubaling ihahatid siya sa Paoay habang natutulog.

Pero, nang magising si Makoy at binuksan ang helicopter, nasadlak siya sa Hawaii!

◘◘◘

MARAMING detalye kaugnay sa pagpapalit ng liderato sa Malacañang ang hindi nalalaman at nauunawaan ng millennials.

Panahon na para sila ay magsaliksik at magdesisyon!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page