Shotgun nakalabit | HELPER DEDBOL SA SEKYU
- Levi Gonzales
- Feb 25, 2019
- 1 min read

PATAY ang isang helper matapos mabaril ng guwardiya ng kumpanya sa Sitio Sampitan, Bgy. Cagsiay 2, Mauban, Quezon.
Batay sa ulat, pasado ala-1:00 ng madaling-araw habang inaayos ng suspek na si Francis Obal, 21, ang kanyang shotgun na inisyu ng kumpanyang Global DHI Phils. nang aksidente nitong makalabit ang gatilyo.
Eksakto namang nasa loob ng kanyang trabaho ang biktimang si Jerome Arquilla, 21, nang tumama sa kanyang tiyan ang bala.
Dali-dali siyang dinala sa pagamutan ngunit, idineklarang dead-on-arrival.
Inaresto naman ang guwardiyang suspek at sasampahan ng kaukulang kaso.





Comments