top of page
Pokwang.jpg

PINOY GYMNAST YULO, CHAMP SA WORLD CUP

Eddie M. Paez, Jr.
Feb 25, 2019
2 min read

LALONG nagliliwanag ang daan ng binatilyong si Carlos Edriel Yulo mula sa Pilipinas sa pagnanais nitong makapasok sa Tokyo Olympics sa susunod na taon matapos itong magkampeon sa floor exercise event ng malupit na 2019 World Cup Gymnastics sa Melbourne Arena ng Melbourne, Australia.

Kinuha ni Yulo, isang 18-taong-gulang na olympic gold medal prospect ng bansa ang korona sa event na pang seniors, sa tulong ng kanyang iskor na 14.566 puntos. Walang mantsa ang kanyang performance sa sagupaan. Binigyan siya ng 6.200 dahil sa mahirap ng routine at 8.366 sa execution para maiwanan niya ang kanyang mga karibal sa walo-kataong finals.

Tatlong gymnasts ang nagtabla sa likod ng Pinoy champion matapos silang makapagposte ng 14.500 puntos. Ito’y sina Hibiki Arayashiki ng Japan, Spanish ace Rayderley Zapata at Dominick Cunningham mula sa Great Britain. Nang lapa­tan na ng panuntunan sa tie­break, nasikwat ni Ara­yashiki ang pilak na medalya samantalang sina Zapata at Cunningham ay kapwa binigyan ng tansong me­dalya.

Bago ang championship round ng torneo na nagsisil­bing isa sa mga 2020 Tokyo Olympics qualifier, pu­mangatlo si Yulo sa eliminations sa likod nina Ahmet Onder ng Turkey at Zapata. Kasama rin sa mga naka­tunggali ng Pinoy sa huling yugto ng event bukod sa Hapones, sa Turkish pride, Briton gymnast at sa Kastila ay sina Casimir Schimidt ng Netherlands at ang alas ng punong-abala na si Christopher Remkes.

Ang floor exercise kung saan nangibabaw si Yulo ay nilahukan ng mga de-kali­breng mga gymnasts na kumakatawan sa iba’t-ibang mga bansa tulad ng Turkey, Spain, Korea,

Japan, Great Britain, Netherlands, Australia, Brazil, Kazakhstan, Israel, Finland, China, Taipei, Slovenia, France, Argentina at Singa­pore.

Dahil sa tagumpay, nag­tutuloy-tuloy ang podium streak ng Pinoy. Matatan­daang noong bago matapos ang 2018, dalawang beses na ring nakapasok sa top 3 ng bigating mga sagupaan ang binatilyong itinuturing na bagong mukha ng Philippine gymnastics katulad ni Bea Lucero noong 1980s.

Sa 2018 World Championships na ginanap sa Doha, Qatar, nakagawa ng kasay­sayan ang binatilyo bilang unang kinatawan ng Pilipi­nas na nakasampa sa podium matapos itong itanghal na bronze medal winner. Pagkatapos sa Gitnang Sila­ngang Asya, tumawid sa Europa si Yulo at mata­gumpay namang nasikwat ang pangatlong puwestO sa Cottbus World Cup sa Germany.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page