Pagbabayad ng magsasaka sa serbisyo ng patubig sa irigasyon

Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung kinakailangan bang magbayad sa serbisyo ng patubig ang lahat ng magsasaka dahil sa paggamit nila ng irigasyon sa pagsasaka?— Sergio
Dear Sergio,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay binigyang-linaw ng Section 3 ng Republic Act No. 10969 o mas kilala sa tawag na “Free Irrigation Service Act” kung saan ipinaliwanag ang sakop ng nasabing batas:
“Sec. 3. Scope of Free Irrigation Service. – Upon the effectivity of this Act, all farmers with landholdings of eight (8) hectares and below are hereby exempted from paying irrigation service fees (ISF) for water derived from national irrigation systems (NIS) and communal irrigation systems (CIS) that were, or are to be, funded, constructed, maintained and administered by the National Irrigation Administration (NIA) and other government agencies, including those that have been turned over to irrigators associations (IAs).
Farmers with more than eight (8) hectares of land, corporate farms, and plantations drawing water for agricultural crop production; and fish ponds and other persons, natural or juridical, drawing water for nonagricultural purposed from NIS and CIS, or using the irrigation system as drainage facilities, shall continue to be subject to the payment of ISF.” (Binigyang diin)
Ayon sa nasabing batas, ang mga magsasaka na may lupain na hindi lalampas sa walong (8) ektarya ay exempted sa pagbabayad ng irrigation service fee (ISF) para sa tubig na nakukuha mula sa national irrigation systems (NIS) at communal irrigation systems (CIS) na itinayo, pinananatili at pinangangasiwaan ng National Irrigation Administration (NIA) at iba pang mga ahensiya ng gobyerno kabilang ang nailipat sa irrigators associations (IAs).
Gayunman, ang mga magsasaka na may higit sa walong ektarya ng lupa, corporate farms at plantasyon na kumukuha ng tubig para sa produksiyon ng agrikultura at fish ponds at iba pang mga tao, natural o juridical na kumukuha ng tubig para sa hindi layuning agrikultura mula sa nasabing mga NIS at CIS o paggamit ng sistema ng patubig bilang drainage facilities ay patuloy na sasailalim sa pagbabayd ng ISF.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments