top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Miss Universe 2018 Catriona Gray, palaban kay P-Digong, 'yan ang beauty queen!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 25, 2019
  • 2 min read

MISS U, WALANG TAKOT SA PAGKON­TRA KAY P-DU­TERTE —Matapos kontrahin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang polisiya ni P-Duterte na ituring na kriminal ang mga batang nakagagawa ng mali, kinontra rin nito ang kagustuhan ng pangulo na palitan ang pangalan ng Pilipinas at gawin itong Maharlika.

Tirada ni Catriona kay P-Duterte, “If it ain’t broke, don’t fix it” ibig sabihin, kapag hindi naman sira, huwag ayusin na ayon pa sa beauty queen, “Philippines is Philippines.”

‘Yan ang beauty queen, buo ang loob at walang takot kay P-Duterte at sa mga DDS, palakpakan naman d’yan!

◘◘◘

PAYO NI MISS U SA MGA ‘BOBOTANTE’, BOMOTO NANG TAMA—Ngayong panahon ng eleksiyon, pinayuhan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang mga botante na turuan ang kanilang mga sarili sa tamang pagboto sa mga karapat-dapat na kandidato.

Siyanga pala, ang payo na ito ay para sa mga “bobotante”, boom!

◘◘◘

GADON AT CHONG, BASURA SA ‘HUG­PONG’ AT PDP-LABAN —Kumpleto na ang 12-senatorial line-up ni P-Du­terte kasi isinama na niya sa susuportahang kandidato si ex-DILG Sec. Rafael Alunan.

Hindi man aminin, siguradong naghihimutok sina senatorial candidates Atty. Larry Gadon at ex-Congressman Glenn Chong, inaasahan kasi nilang susuportahan ng Pamilya Duterte ang kanilang kandidatura dahil kapwa sila DDS, pero ang nangyari ay ibinasura na sila sa “Hugpong ng Pagbabago” ni Presidential Daughter Sara Duterte-Carpio, ibinasura pa sila sa PDP-Laban ni P-Duterte, aray!

◘◘◘

ILLEGAL VENDORS SA BACLA­RAN, PROTEKTADO NG TAGA-CITY HALL—Isang “Jojo” na taga-city hall daw ang nagbibigay-proteksiyon sa mga illegal vendor sa Baclaran, Parañaque City at siyempre, kapag may proteksiyon, may kapalit ‘yan na biyayang “tongpats”.

Kaya naman pala hindi matanggal-tanggal ang mga illegal vendor sa bangketa dahil may taga-city hall na pumoprotekta sa kanila, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page