top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

LAKAN TAKHAN, KAMPEON SA PHILRACOM STAKES RACE

Green Lantern
Feb 25, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

ITINANGHAL na kampeon ang Lakan Takhan sa katatapos na 2019 Philracom “3 Year Old Local Fillies and Colts” Stakes Race makaraang biguin ang Serafina sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas kahapon.

Naorasan sa bilis na 1:25 ang Lakan Takhan sa dis­tansiyang 1,400 meters para sungkitin ang unang premyo na P300,000. Tinanggap ng Serafina ang pangalawang premyong P112,500 habang pangatlong puwesto ang My Jopay na nagkamit ng P62,500 habang P25,000 ang pumang-apat na Toy For the Bigboy.

Sa umpisa ng karera kinuha ng Turns Gold ang una­han habang nakasunod ang My Jopay. Sa simula nahirapan ang makakuha ng puwesto ang Lakan Takhan hanggang haling 800 meters ay nasa panglimang pu­westo ito habang nauuna ang Turn Gold. Pagdating ng likuan naagaw na kay Turn Gold ang unang My Jopay kasunod ang Serafina.

Sa Huli 400 meters na lang ang nalalabi ng karera ng magsimulang gumalaw ang Lakan Takhan habang nag-aagawan sa unahan ang May Jopay at Serafina.

Pagsapit sa huling 50 meters nilagpasan ang mga kalaban ni Lakan Takhan upang kunin ang pangunguna tungo sa panalo.

Ang Lakan Takhan ay pag-aari ni Benjamin Abalos III na inihahanda sa mas malaking laban tulad ng 2019 Philracom Triple Crown Series ng Philippine Racing Commission.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page