top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kandidato niratrat, utas

Jeff  Tumbado
Feb 25, 2019
1 min read

ISANG dating pulis na kumakandidato bilang konsehal sa Caitangan, Masbate ang patay makaraang pagbabarilin kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Romeuel Medina, 40, residente ng Bgy. Poblacion.

Napag-alaman sa ulat na pasado alas-7:00 ng gabi nang pasukin ng dalawang armadong lalaki ang bahay ni Medina sa naturang lugar at nang madatnan ito ay pinagbabaril.

Mabilis na sumakay ang suspek sa nakaabang na motorsiklo sa labas ng bahay ng biktima na minamaneho ng isa pang lalaki.

Nasawi si Medina habang dinadala sa Cataingan Dsitrict Hospital.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon kung saan politika umano ang isa sa nakikitang motibo sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page