top of page

Engineer at chef, tiklo rin | 9 HULI SA AKTONG NAGDODROGA

  • Gina Pleñago
  • Feb 25, 2019
  • 1 min read

NABULAGA ng mga tauhan ng Makati City Police ang may-ari ng bahay at 10 nitong kasama nang maaktuhan umano silang bumabatak ng droga, kamakalawa ng gabi.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek na sina Clarence Discuto, 54, may-ari ng bahay sa Bgy. Pembo, Makati City; Roie Dayap, 29; Aldrin Tagoon, 28; Arnold Martinez, 39, driver; Rommel Gonzales, 49; Zandro Camaing, 36, construction worker; Romano Bruno, 32; Isidro Tormo, 29, Licensed Engineer; Jay-M Reyes, 42, security guard; Michael Turingan, 39, at Roemyr Janson, 37, chef.

Ayon sa ulat ni Makati City Police Chief Senior Supt. Rogelio Simon, nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang concerned citizen kaugnay ng nagaganap na pot session sa loob ng bahay ng suspek na si Discuto, alas-11:45 ng gabi.

Agad rumesponde ang mga pulis sa nasabing lugar at dito nadatnan ang mga nabulaga pang suspek na aktong gumagamit ng droga.

Narekober sa mga suspek ang 11 selyadong pakete ng umano’y shabu, 11 pirasong improvised glass pipes na may lamang droga, aluminum foil, butane lamp, timbangan at dalawang lighters.

Iniutos naman ni Sr. Supt. Simon sa mga tauhan na magsagawa ng imbestigasyon sa drug suppliers ng mga suspek.

Inihahanda na ang pagsasampa ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) laban sa 11 suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page