top of page

Cory, walang kinalaman sa EDSA | Tunay na kasaysayan ng People Power Revolution, alamin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 25, 2019
  • 3 min read

TUWING Pebrero 25, ginugunita ang EDSA People Power Revolution na nagpabagsak sa diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1986, pinalalabas na ito ay dahil kay ex-P-Cory Aquino, biyuda nang napatay noong si Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.

Hindi totoo ‘yan. Lumabas lang si ex-P-Cory at naging pangulo pagkatapos ng EDSA People Power, ito ang nangyari.

Nagkaroon ng EDSA Revolution dahil kay Juan Ponce Enrile, ang defense minister ni ex-P-Marcos at ng kanyang mga tropang koronel na ang tawag ay Reform the Armed Forces Movement (RAM).

Nagbalak silang pabagsakin si ex-P-Marcos sa pamamagitan ng marahas na paglusob noong Peb­rero 23, 1986 sa Malacañang.

Ang nangyari, nabuking sila noong Pebrero 22 na nagmamasid sa Malacañang at pinaplano ang kanilang kudeta. Kumanta ang ilan nilang mga kasa­mahan at sinabi ang buong plano.

Nalaman naman agad ni Enrile na nabuking sila. Matapang si Enrile at ang mga koronel niya tulad ni Sen. Gregorio Honasan. Imbes na magpahuli sila ng buhay ay makikipagsapalaran na lang daw sila at magkukulong sa Camp Crame.

Sumali ang pinuno ng Philippine Constabulary na si General Fidel Ramos. Malamang sabi ng iba, eh, nasabihan siya ng mga Amerikano na poprotek­tahan sila.

Eksperto sa propaganda sina Enrile at Ramos at pinatawag ang media, lalo na ang foreign media nang nagkulong sila sa Camp Crame. Hindi agad sila ma­bomba ng puwersa ni ex-P-Marcos dahil pinaligi­ran sila ng media.

Marunong si Ramos at tumawag kay Jaime Cardinal Sin na saklolohan daw sila.

Ang talagang may malaking papel sa EDSA ay ang kapatid ni “Ninoy” na si dating Senador Agapito ‘Butz’ Aquino. Nagdemonstrasyon agad si ‘Butz’ kasama ng barkada niya sa harap ng Crame.

Nang nag-anunsiyo si Cardinal Sin na dapat daw paligiran ng mga Katoliko ang Camp Crame para hindi magkaroon ng madugong paglusob kina Enrile at Ramos ay unti-unting dumami ang mga tao sa harap ng Camp Crame o sa EDSA kaya ‘yun, tinawag itong rebolusyon.

Si ex-P-Marcos naman ay hindi nag-order sa militar na paaalisin nang puwersahan ang mga demonstrador. Sabi niya sa mga heneral at pamilya niya: Ipinaglaban ko ang mga kababayan natin ng buong buhay ko, bakit ko sila ipapapatay?”

Kaya ito ang dahilan kaya dumami nang dumami ang mga tao, gayundin ang mga militar na sumama kina Enrile at Ramos.

Paano naman nila lalabanan ang puwersa nina Enrile at Ramos, eh, mismong ang pangulo noon ang nagbawal na gumamit sila ng dahas.

Nag-alok ang mga Amerikano, para raw walang mangyaring patayan sa Malacañang na ihe-helicopter ang pangulo at ang pamilya nito sa Laoag na balwarte niya sa Ilocos.

Eh, loko rin ang mga Amerikano. Tumigil ito sa Clark Airbase at idinahilang hindi raw makapupunta sa Laoag dahil madilim na.

Ang totoo, sinabihan ni ex-P-Cory ang mga Amerikano na ayaw na nitong manatili sa bansa ang pangulo.

Napalabas ng mga dilawan na nanalo si ex-P-Cory sa halalan sa pagka-pangulo noong Enero kaya siya na ang naging pangulo ng bansa.

Nagpapalakas ang mga Kano sa kanya dahil mag-e-expire na ang kasunduang nagbigay sa mga Kano ng mga base-militar nila sa bayan natin.

‘Yun, imbes na sa Laoag dinala si ex-P-Marcos ay sa Hawaii. Bumagsak ang pamahalaan ni ex-P-Marcos at bastos ang pagturing sa kanya sa Hawaii.

Takeover ang mga dilawan, itinapon ang 1973 Konstitusyon at nagdeklara ng Revolutionary Government hanggang sa nagkaroon ulit ng bagong Konstitusyon noong 1987.

‘Yan ang tunay na kasaysayan ng People Power Revolution na iniutos ipagdiwang ni ex-P-Cory, taun-taon, ngayong araw na ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page