top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Borehole volcano monitoring station, naitayo na — phivolcs

V. Reyes
Feb 25, 2019
1 min read

NAITAYO na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang kauna-unahang ibinabaon o borehole volcano monitoring station malapit sa Bulkang Taal sa Batangas.

Ang nasabing seismic monitoring facility ay maituturing umanong moderno o state of art at gumagana sa pamamagitan ng araw o solar.

Ayon kay DOST Undersecretary for Disaster Risk Reduction and Climate Change at Phivolcs Executive Director Renato Solidum, Jr., bagama’t, maliit lang ang Taal Volcano, isa ito sa pinakaaktibong bulkan sa bansa na posible pa ring sumabog.

Ani Solidum, ang inilagay na monitoring station sa Taal Volcano ay malaking bagay upang mapaghandaan ang posibilidad na magalit ang nasabing bulkan.

Gayunman, kaya rin aniya ng naturang borehole seismometer na i-monitor ang maliit o malaking mga bulkan, gayundin ang mga pagyanig na dulot ng paggalaw ng fault at trench sa loob ng nasasakop na lupain at anyong-tubig sa Pilipinas at maging sa mga kapitbahay na bansa.

Ayon kay Maria Antonia Bornas, chief Science Research Specialist ng Phivolcs, bagama’t, mayroon nang seismic observation stations sa bansa, ang bagong naitayo sa Taal ay may kakayahan na mai-convert ang electrical signals mula sa seismometer o sa instrument mismo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page