top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Trak sumalpok sa poste, 2 patay

Levi Gonzales
Feb 24, 2019
1 min read

DALAWA ang nasawi habang dalawa rin ang sugatan matapos sumalpok ang isang trak sa Bgy. Banga, Talisay, Batangas.

Alas-3:40 ng hapon, minamaneho ng driver na si Henry Requimin ang truck galing ng Tagaytay City patungo sa direksiyon ng Talisay, Batangas.

Pababa na sila nang mawalan ng preno hanggang sa tuluyang sumalpok sa poste ng kuryente. Nagtamo ng pinsala sa katawan ang driver at pasaherong si alyas Ralp.

Idineklara namang dead-on-arrival ang dalawa pang pasaherong hindi pa nakikilala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page