Sikat na singer ng Oppa Gangnam Style… PSY, BIGLANG SOBRANG PAYAT, FANS NAALARMA
- Lee Vin Nia
- Feb 24, 2019
- 1 min read

Naalarma rin ang mga netizens sa singer na si Psy dahil naman sa nakitang sobrang kapayatan nito ngayon.
In the past, especially noong kasikatan ng hit song niyang Oppa Gangnam Style ay medyo malusog ang pangangatawan ni Psy at dito marahil nasanay ang mga tao.
Kaya naman ang daming nagulat nang makita si Psy sa live broadcast naman ni Hyuna sa Instagram Live.
Binati lang ni Psy ang mga fans ni Hyuna at aniya, “I’m working hard to prepare for my next comeback.”
Si Hyuna ay nasa ilalim na ng pangangalaga ngayon ni Psy sa pamamagitan ng bagong label na itinayo nito, ang P Nation.
Ang daming nakapansin na ang laki ng inihulog ng katawan ni Psy at may mga nagkomento na hindi bagay sa kanya ang sobrang payat. May nagtatanong din kung ano ang nangyari sa kanya at pumayat siya nang ganito. Meron namang nadismaya dahil bakit hindi raw nito inaalagaan ang katawan.
Ang daming nagkomento ng “Please take care of yourself,” at halatang worried sila for Psy.
Nabasa itong lahat ni Psy kaya ini-repost niya ang mga comments sa kanyang IG account and assured everyone na aalagaan na niya ang sarili.
“I’ll start taking care of myself again, everyone,” ang mensahe ng singer sa kanyang mga fans.





Comments