top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kapabayaan ng kilalang bakery kung hindi nag-viral, ‘di aaksiyunan?! Hmmm…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 24, 2019
  • 2 min read

HUMINGI ng paumanhin ang isang kilalang bakery, matapos makunan at mailagay sa social media ang napakalaking daga na nasa lagayan mismo ng mga tinapay. Matagal nang nasa tray ang daga at tila hindi natakot sa mga kumukuha ng video. Siguro, dahil nasa loob siya ng saradong tindahan at may salamin sa pagitan nila. Pero siyempre, kapag umabot na sa social media, maraming paliwanag ang kailangang gawin ng kumpanya. Sino ba ang may gusto ng tinapay na tinabihan ng daga? Humingi sila ng paumanhin sa mamamayan at nangakong hindi na ito mauulit. Gayundin, pag-aaralan ang kanilang mga pamamaraan kontra peste para hindi na ito maulit.

Naaalala natin ang isang insidente noon kung saan marumi naman ang ilalim ng tasa ng kape ng isang kainan. Siyempre, nakita na lang ng parukyano noong naubus na ang kape. Hindi malaman kung dumi ito ng daga o ipis. Nabansagan pa itong “dagapuccino” o “dagapupuccino”. Naospital ang kostumer ng ilang araw na nataon ay reporter pa ng ABS-CBN. Humingi rin ng paumanhin ang kainan, pero unang itinanggi ng manager ng kainan na dumi ito ng daga. Ipinasuri pa ito para malaman. Paano na lang kung hindi ito nag-viral sa social media? Aaminin kaya ng mga kainan na marumi ang kanilang lugar at isine-serve na pagkain? Maging arogante kaya sila sa mga nagrereklamong kostumer? Mabuti na lang at iba na ang panahon ngayon.

◘◘◘

Mas maraming pamilya ang naging biktima ng karaniwang krimen tulad ng pandurukot o pagnanakaw ng pansariling kagamitan, pagpasok o break-in sa tahanan, pagnanakaw ng kotse o motor, pambubugbog, pananaksak at iba pang karahasan. Ito ang mga krimeng tinanong sa mga rumesponde sa pagsusuri mula Disyembre 16-19 noong nakaraang taon. Mas marami ang naging biktima kumpara sa pagsusuri noong Setyembre. Mas marami rin ang takot nang maglakad sa gabi.

Naaalala ba ninyo nang ibinida ng Philippine National Police (PNP) at Palasyo ang resulta ng survey na nagsabing mas kaunti na raw ang mga adik sa lansangan? Patunay ito na epektibo raw ang ‘war on drugs’ ni Pangulong Rodrigo Duterte. Maaaring mas nabawasan ang mga adik, pero hindi ibig sabihin nito, eh, nabawasan na rin ang mga kriminal, batay sa resulta ng pagsusuri. Maganda kung mailalabas ng PNP ang datos ng mga krimen sa pagpatay na tila mas tumataas. Kasama rito ang mga “death under investigation” mula pa noong panahon ni Gen. Ronald “Bato” dela Rosa bilang PNP chief. Sa totoo lang, hindi lang naman iligal na droga ang krimen sa lipunan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page