top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Japan, sisimulan na ang subway sa Metro Manila, 'di kaya maghukay lang sila ng Yamashita Treasur

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 24, 2019
1 min read

NARATING na ng spaceship ng Japan ang isang asteroid.

As usual, naghanap sila ng “mineral water”.

Bakit kaya ayaw na lang nilang bumili sa sari-sari store?

Bakit pumunta pa sila sa asteroid?

◘◘◘

KAHIT ang mga Kano, nagpunta pa sa Mars para maghanap din ng “water”.

Wala ba silang tiwala sa mga patubig sa kanilang bansa?

◘◘◘

TINAMAAN ng Magnitude 5.2 na lindol ang Zambales.

Hindi kaya hinuhukay na ang ilalim ng Masinloc?

◘◘◘

SISIMULAN na ng mga Japanese ang subway sa Metro Manila.

Hindi kaya maghuhukay lang sila ng Yamashita Treasure?

◘◘◘

BUBUKSAN na rin ang skyway mula Port Area patungo sa NLEX.

Hindi kaya para mapabilis ang biyahe ng tone-toneladang shabu?

◘◘◘

DADALAW si U.S. Sec. Mike Pompeo sa Maynila dahil “nagseselos” sa China.

Warning kaya ito?

◘◘◘

INAAYOS na ang ranggo ng mga parak.

Makakasama kaya rito ang mga protektor ng adik at tulak?

◘◘◘

HINDI sinasadya, nakatagpo ng inyong abang-lingkod ang team captain ng 1992 Little League World Series champion na si Juniper Pineyro.

Binubuo niya ang isang koponan para makabalik sa panibagong world series!

◘◘◘

INIHAHANDA na ni Coach Pineyro ang Cavite bilang duyan ng mga kabataang naglalaro ng baseball.

Suportado siya ng mga guro ng Cavite!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page