HD SPIKERS AT HOME FBR, WAGI VS. REALTORS AT LIFESAVERS SA PSL
- BULGAR

- Feb 24, 2019
- 2 min read

MATAPOS ang malamyang simula, tinusta ng Cignal ang Sta. Lucia sa second at 3rd sets bago tinapos ang laro sa 4th sets sa bisa ng 23-25, 25-11, 25-16, 25-23 victory sa Philippine Superliga Grand Prix sa Bacoor Strike Gym.
Nagbabaga ang laro ni Import Erica Wilson nang pamunuan niya ang HD Spikers sa gitna ng laban ng prestihiyosong women’s club tourney na isinasaere ng ESPN5 at 5Plus.
Impresibo si Wilson, ang Arizona State University stalwart na minsang naglaro para sa United States sa FIVB Women’s U23 World Championship na nakagawa ng 18 kills, 3 blocks at 4 aces para sa 23-point performance.
Nakagawa ang kapwa import niyang si Anastasia Artemeva ng Azerbaijan ng 17 marka habang si national team member Mylene Paat ay nakatirada ng 13 points, ayon kay HD Spikers coach Edgar Barroga nilimitahan lang niya si skipper Rachel Anne Daquis ng minuto sa laro habang gumagana sina Wilson at Artemeva.
“I devised a strategy in the second and third sets so I decided to put both Ana (Artemeva) and Erica at the open spiker spots while Mylene takes care of the opposite,” ayon kay Barroga.
“Fortunately for us, it worked. Ana and Erica gave us a lot of scoring punches while Mylene was very reliable at the defensive end.”
Sinabi ni Barroga na masaya siya sa karakter na ipinakikita ng kanyang tropa lalo na si Daquis na malakas din ang opensa sa torneo.
May pinagsama naman ang Imports na sina Casey Schoenlein at Molly Lohman ng 24 puntos para sa lady Realtors, na sumadsad sa 1-3 win-loss card sa unang laro. Sa ikalawang laro, tinalo ng PLDT Home FBR ang Generika Lifesavers sa limang sets. (MC / VA)





Comments