top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

GULO SA SELDA, 4 TODAS

Jeff Tumbado
Feb 24, 2019
1 min read

APAT na preso ang patay habang nasa tatlong PNP personnel ang iniulat na sugatan makaraang mauwi sa panlalaban ng mga preso ang Operation Greyhound sa Davao City Jail kahapon ng tanghali.

Patay ang mga preso na sina Dexter Delfino, Alvin Celis, Flor Leonard Resturo at Jerry Fernandez.

Sugatan naman sa pagaaklas ng mga bilanggo sina PO2 Remilio dela Fuente na nasaksak sa tiyan, PO1 Vincent Lomljo, na nagtamo rin ng sugat sa kamay at PO1 Kenneth Uyangguren.

Ayon kay Police SeniorInsp. Teresita Gaspan, nagpaiwan umano ang mga nasawi sa loob ng kanilang selda habang nasa kasagsagan ng Oplan Durian Wall o ang pagsasagawa ng sorpresang paghalughog sa piitan na isinagawa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Davao City Police.

At nang pasukin ni PO2 Cameros ang selda ng mga suspek ay biglang inilabas ni Celis ang nakatagong sumpak nito at ipinutok sa pulis.

Masuwerte naman umanong sa bullet proof vest tumama ang bala.

Dahil dito, nagsipag bunutan na ng kanilang mga kutsilyo ang mga bilanggo hanggang sa binuweltahan na sila ng mga pulis at tuluyang mapatay ang mga ito. Samantala, kasabay sa naturang Oplan Greyhound ay isinailalim din sa random drug test ang mga bilanggo at lahat ng BJMP personnel.

Agad namang isinailalim sa suspensiyon kasabay ng pagsibak sa posisyon si Chief Insp. Roman Hernandez, ang provincial administrator sa BJMP-Davao del Sur kasama ang siyam pang mga bilanggo makaraang magpositibo ang mga ito sa paggamit sa iligal na droga.

Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang P160,000 halaga ng shabu at iba pang drug paraphernalias.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page