Duterte gov’t., sapol sa mga beauty queen, tsk-tsk-tsk!

BANAT NG 3 PINAY BEAUTY QUEENS SA DUTERTE GOV’T. — Hindi lang si 2018 Miss Universe Catriona Gray ang beauty queen na pumuna sa mga maling polisiya ng Duterte gov’t. kundi mayroon pang naunang dalawa at sila ay sina 2017 Miss Philippines Mariel de Leon at 2018 Miss Intercontinental Karen Gallman.
Noong Agosto 2017, nag-post sa social media si Mariel ng pagtutol sa EJK at noong Enero 2019, nagpahayag ng pagtutol si Karen na kasuhan ang mga bata dahil napakabata pa raw ng mga ito para ituring na kriminal at ang latest, ang sinabi ni Catriona na mas dapat alamin ng gobyerno ang dahilan kaya nakagagawa ng krimen ang mga batang mahihirap kaysa ituring silang kriminal.
Ngayon lang nangyari ‘yan ngayong panahon ni P-Duterte na ang gobyerno ay binabatikos ng mga Pinay beauty queen, period!
◘◘◘
OK LANG PALA KAY SEC. AÑO NA GAMITIN NI CARDEMA ANG NYC PARA IKAMPANYA NA MAGING CONGRESSWOMAN ANG MISIS NIYA — Para kay DILG Sec. Eduardo Año, wala raw dahilan para mag-resign si National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema.
Parang sinabi na rin ni Sec. Año na oks lang gamitin ni Cardema ang posisyon nito sa NYC para ikampanya ang Duterte Youth Partylist upang ang misis nito (Cardema) na first nominee sa partylist ay maging congresswoman, buwisit!
◘◘◘
KAHIT DOBLADO NA ANG SUWELDO, PANGONGOTONG NG MGA SCALAWAG, TULOY PA RIN — Isa na namang pulis sa katauhan ni Supt. Armandy Dimabuyo ng PNP-Maritime Group ang nahuli sa akto ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) na nangingikil sa mga mangingisda sa Cavite.
Patunay ‘yan na tuloy pa rin ang pangongotong ng mga scalawag kahit dinoble na ni P-Duterte ang kanilang suweldo, mga buwisit!
◘◘◘
SAKLAANG MAY BENTAHAN NG SHABU SA MUNTINLUPA CITY — May nagaganap daw na bentahan ng shabu sa puwesto ng mga saklaan ni “Walter” sa Muntinlupa City.
O, ano, Mayor Jaime Fresnedi, “nganga” ka na lang ba sa raket ni “Walter?” Aba, aksiyon na!





Comments