top of page
Linda Walker - Circulated.jpg

Babala sa mga binabalisawsaw!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 24, 2019
  • 2 min read

Dear Doc. Shane,

Napapansin kong ihi ako nang ihi, minsan, naiinis na ako dahil pabalik-balik ako sa banyo. Ilang minuto makalipas pa, naiihi na naman ako kaya, nakararamdam ako ng hapdi at kirot. Sabi ng nanay ko baka raw balisawsaw ito. Ano ba ang balisawsaw at sanhi nito? — Junnel

Sagot

Ang balisawsaw ay salitang tumutukoy sa maya’t maya at mahirap na pag-ihi subalit, urinary frequency ang medical term na ginagamit upang ilarawan ang madalas na pag-ihi.

Ano ang sanhi ng balisawsaw?

Impeksiyon — ang urinary tract infection o UTI ang pangunahing sanhi ng bali­sawsaw. Ang impeksiyong ito ay maaaring alinman sa mga bahagi ng urinary tract tulad ng:

  • Kidney (bato)

  • Ureter (mga tubo na daanan ng ihi mula sa bato hanggang sa pantog)

  • Bladder (pantog)

  • Urethra (tubo na daanan ng ihi mula sa pantog palabas ng katawan)

Narito ang mga factor na maaaring magpataas ng posibilidad na magkaroon ng UTI:

  • Diabetic

  • Nagkakaedad

  • Lumalaking prostate

  • Bato sa bato

  • Buntis

  • Paggamit ng catheter

Narito ang mga sintomas ng UTI:

  • Pagtaas ng temperatura o lagnat

  • Mabaho o matapang na amoy ng ihi

  • Malabong kulay ng ihi na may kasamang dugo

  • Pabalik-balik na pag-ihi

Narito ang ilan sa mga karaniwang paraan para maiwasan ang balisawsaw:

  • Pagkakaroon ng sapat na pahinga

  • Pag-inom ng 10-20 baso tubig, araw-araw

  • Pag-iwas sa maaalat na pagkain

  • Pag-inom ng buko juice

  • Pagiging malinis sa pisikal na katawan

  • Iresponsableng paki­kipagtalik

Nabanggit natin na ang pag-inom ng buko juice ay nakatutulong para maibsan ang balisawsaw sapagkat ang sabaw ng buko ay kilala bilang diuretic o inuming nakapagpaparami ng ihi. Kung marami tayong umihi, mas malaki ang posibilidad na maalis nito ang bacteria sa ating urinary tract.

Gayundin, kung iisipin, sobra naman ang 10 hanggang 20 baso ng tubig, araw-araw ngunit, ito ay talagang nakatutulong, lalo na sa mga buntis na may UTI.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page