top of page
Pokwang.jpg

2ND CROWN, MAAANGKIN KAYA ULI NG 1BATAAN RISERS SA 3X3 CUP?

A. Servinio / VA
Feb 24, 2019
1 min read

LAHAT ng pansin ay nakatuon ngayong araw ng Linggo (Pebrero 24) sa Bataan Risers sa kanilang pag-asam ng ikalawang sunod na kampeonato sa ikalawang yugto ng Chooks-To-Go Pilipinas 3X3 Pre­sident’s Cup sa SM Mega­mall. Wagi ang Risers sa pagbukas ng torneo noong Pebrero 16 kontra Grind­house Kings-Pasig pero tiyak na ang Kings at ang 10 ibang koponan ay gagawin ang lahat para pigilan ang lalong pag-angat ng 1Bataan na kinabibilangan ng mga bituin ng UAAP na sina Alvin Pasaol, Sean Manganti, Leonard Santillan at Anton Asistio.

Hahaluin ang 12 kasali para hindi nila harapin ang mga kalaro noong nakara­ang linggo. Tulad ng dati, ang lahat ng mga numero uno sa apat na grupo ay pa­pasok sa semifinals at su­sundan ito agad ng cham­pionship.

Pagkatapos magpakita ng lakas ang 1Bataan, sigu­radong may mga pagbaba­gong gagawin sa listahan ng mga manlalaro. Ayon sa mga alituntunin ng liga, ma­aaring maglista ng hang­gang anim na manlalaro ang bawat koponan ngunit, apat lang ang puwede nilang gamitin bawat linggo.

Ang 10 pang mga kasa­ling koponan ay ang Valen­zuela Classic, Pasay Voya­gers, Zamboanga Valientes, Max4 Birada-Cebu, Vigan Baluarte Wolves, Bulacan Kuyas, Marikina Shoemas­ters, Bacoor Strikers, Go For Gold-San Juan Knights at Zark’s Burger-Quezon City.

Titingnan din kung ma­dedepensahan ni Dylan Ababou ng Pasig ang kan­yang korona sa Three-Point Shootout. Hindi maglalaro si Kobe Paras sa Slam Dunk pero isang pulutong ang han­da mag-agawan sa trono sa pangunguna ng dating PBA player at NCAA Slam Dunk champion na si Jebb Bula­wan.

Maliban sa naghihintay na gantimpalang P100,000 para sa kampeon ngayong linggo, lalong gaganahan ang mga koponan sa balita na dalawang koponan ang kakatawan sa bansa sa pa­rating na Asia-Paci­fic Super Quest.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page