top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Wa' care na ipinagpalit na ni Jolo sa beauty queen… SIGAW NI JODI: HAPI AT KUNTENTO AKO!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 23, 2019
2 min read

SA wakas ay personal nang naka­usap ng entertainment media si Jodi Santamaria nang humarap ang aktres sa presscon ng Second Coming last Thursday night kasama ang iba pang cast ng horror movie ng Reality Entertainment na sina Marvin Agustin, Queenie Rehman at Angelica Ulip, maging ang direktor na si Jet Leyco.

Nagbabalik-horror si Jodi na ang huling ginawang horror film ay Maria Leonora Teresa nu’ng year 2014. Kaya naman aminado ang aktres na dahil sanay siya sa drama at rom-com, malaking challenge sa kanya at para raw siyang isdang tinanggal sa tubig ngayong muli siyang sumabak sa paggawa ng katatakutan.

Pero dahil magaling naman talagang aktres si Jodi, inaral niya ang kanyang role at nagswak na­man agad sila ni Marvin na ga­ganap na asawa niya sa movie.

Slim pa rin si Jodi nang makita namin pero wala namang bakas sa mukha niya na in pain ito kahit pa inilantad na ng ex-BF niyang si Jolo Revilla ang bagong GF nitong beauty queen.

Mukhang naka-move on na nga si Jodi sa breakup nila ni Jolo dahil nang kumustahin namin ang estado ng kanyang puso, diretso naman itong sumagot ng: “I am happy where I am right now. I am content with a lot the Lord has given me. Wala ako sa posisyon to complain but I’m just really thankful.”

Sa dami nga naman ng ginagawa ngayon ni Jodi — pagiging ina kay Thirdy, showbiz career, pag-aaral ng Psychology, businesses at may teleserye pa siyang naka-line-up this year — paano nga naman niya mabibigyan ng panahon ang kanyang love life?

Anyway, showing na ang Second Coming sa Feb. 27 kung saan kasama rin sa cast sina John Arcilla at Bing Loyzaga.

Trailer pa lang ng movie, kakaibang kilabot at takot na ang hatid ng Second Coming, kaya sina Jodi, Marvin at iba pang cast na ang nagsasabing panoorin ang pelikula lalo na ng mahi­hilig sa katatakutan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page