Tatay na rapist-tulak, todas sa pulis

PATAY sa pulis ang umano’y tulak ng iligal na droga at rapist pa ng sariling anak makaraang manlaban sa Bgy. Sinala, Bauan, Batangas.
Batay sa ulat, alas-11:15 ng gabi, ikinasa nila ang operasyon laban sa suspek na si Christopher Reynaldo, 45, ng Bgy. Manghinao Proper.
Iaabot na ng nagpanggap na buyer ng shabu ang markadong pera nang makahalata ang suspek na peke ang ibinayad sa kanya.
Mabilis nitong binunot ang kanyang baril saka unang pinaputukan ang isang confidential agent hanggang sa lumusob ang ibang kasamahang pulis.
Bumulagta ang suspek dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.
May kinahaharap pa umanong kaso ang suspek kaugnay sa paulit-ulit nitong panggagahasa sa kanyang pitong taong gulang na anak.





Comments