Shoutout sa mga wala pang naipaplano riyan... TIPS PARA SA NALALAPIT NA SUMMER!
- Donna Thea Topacio
- Feb 23, 2019
- 1 min read

WALA pa man, eh, kailangan na nating maghanda dahil ‘ika nga ng matatanda, dapat avdanced tayong mag-isip. Kaya para sa mga wala pang plano para sa nalalapit na summer, narito ang tips para sa inyo:
1. BUY CLOTHES. Siyempre dapat, eh, prepared kayo sa mga ootd (outfit of the day) dahil kapag hindi, for sure, mapag-iiwanan kayo ng mga kaibigan o kamag-anak ninyo. Plus, wala pa kayong magandang maipo-post sa social media accounts ninyo. ‘Yun lang!
2. BOOKED. Bago dumating ang araw ng outing, make sure na nakapagpa-reserved na kayo ng venue o resort na pupuntahan ninyo para dehins na kayong mahirapang maghanap lalo na at peak season sa panahong ‘yun. Less hassle kapag ganito ang naging sistema ninyo.
3. SAVED. Habang may panahon pa, mga besh, eh, ipun-ipon din ‘pag may time. Tiyak na malaki-laki ang magagastos ninyo dahil sunud-sunod ang yayaan ng barkada niyan panigurado. He-he-he!
4. INVITE. Imbitahan na rin ninyo ang inyong mga gustong makasama, puwedeng kapatid, kaibigan, BF/GF, nanay, tatay at marami pang iba. Basta dehins ‘yung KJ (killjoy), eh, ayos na! Ha-ha-ha! Lol!
5. ENJOY. Of course, ihanda rin ninyo ang inyong sarili sa pag-e-enjoy at huwag muna ninyong isipin ang inyong mga trabaho at iba pang alalahanin. Okie?
Basta make sure, ngayong darating na summer, eh, ibi-beat natin ang heat at prepared tayo, mga beshy!
Have a happy vacation!
Okay?





Comments