SASO, DIAZ AT DIDAL, SOSYO SA PSA ATHLETE OF THE YEAR

LABIS ang kasiyahan ni Yuka Saso dahil isang malaking karangalan ang kanyang tatanggapin - ang coveted PSA Athlete of the Year sa Martes mula kay guest of honor at speaker President Rodrigo Roa Duterte na gagawin sa makasaysayang Manila Hotel.
Kasosyo ni Saso si kapwa Asian Games gold medalists Brazil Olympic silver medalist Hidilyn Diaz at Margielyn Didal. Noong nakaraang Biyernes, matagumpay na naipagtanggol ni Saso ang titulo sa Philippine Ladies Golf katunggali ang siyam na mga bansa kasama ang U.S. at Australia.
Dinomina ni Saso, anak ng Japanese at Pinay na taga San Ildefonso, Bulacan, ang torneo at maging unang Filipino-Japanese na nanalo sa taunang torneo na itinatag noong 1963. “Masayang-masaya ako. Ngayon lang nangyari sa career ko ito,” wika ng 17-anyos na si Saso matapos kunin ang pangalawang sunod na panalo. Unang napanalunan ni Saso ang prestihiyosong torneo sa Orchard Golf Course kontra Michaela Fortuna. Muling pangungunahan ni Saso ang kampanya sa golf sa 2019 30th Southeast Asian Games na gagawin sa Luisita golf course sa Tarlac.





Comments