top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

RUNKITEK PARA SA BAYANIHANG ARKILYMPICS NG UAP AT PAR

  • A. Servinio
  • Feb 23, 2019
  • 1 min read

GAGANAPIN sa ma­daling-araw ng Abril 13 (Sabado) ang “Runkitek 2019” sa SM Mall of Asia, hatid ng United Architects of the Philippines (UAP) ka­sama ng Pinoy Aspiring Runners (PAR).

Ang fun run na ito ay bukas sa publiko at ang mga malilikom na pondo ay mapupunta sa Bayanihang Arkitektura ng UAP.

“Bahagi ito ng aming 45th UAP National Conven­tion kaya gusto namin ipa­alam sa lahat ng kahala­gahan ng mga arkitekto sa lipunan,” wika ni Arch. Karen Kaye Ang, na siya ring Direktor ng Conven­tion. “Mayroon kaming Arki­lympics para sa aming mga kasapi pero ito ang unang pagkakataon na magbubu­kas kami ng isang katulad na aktibidad para sa pub­liko.”

Inaasahang 3,000 ang magpapalista kasama na rin ang mga mag-aaral ng Ar­kitektura sa mga kole­hiyo. Maaaring tumakbo ng 10-km, 5-km o 3-km. Puwede na magpalista sa mga sa­ngay ng Garmin sa SM Dept. store at online sa www.runkitek.com at puwedeng magbayad sa mga Bayad Center.

Mura lang ang regis­tration fee na P850.00 sa 10-km, P750.00 sa 5-km at P700.00 sa 3-km na may kasamang t-shirt at numero na may timing chip.

Tatanggap ang lahat ng magtatapos ng medalya at regalo buhat sa mga ispon­sor at lahat ay pwede mag-uwi ng mas maraming re­galo sa raffle. Kikilalanin din ang tatlong pinakama­bilis na lalaki at babae sa bawat kategorya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page