top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Residential area nasunog, 70 bahay tupok

  • Gina Pleñago
  • Feb 23, 2019
  • 1 min read

TINATAYANG nasa 140 pamilya ang nawalan ng tirahan nang masunog ang 70 kabahayan kahapon ng hapon sa boundary ng Las Piñas at Parañaque City.

Ayon kay Parañaque Fire Marshall Supt. Robert Pacis, nagsimula ang pagsiklab ng apoy ala-1:30 kahapon ng hapon sa Jerusalem St., Phase 3, Bgy. Manuyo, Las Piñas City.

Dahil gawa sa light materials, mabilis na kumalat ang apoy at sa lakas ng hangin, nadamay ang mga kabahayan sa Sitio San Roque, Bgy. San Isidro, Parañaque City.

Ayon sa Parañaque City Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ikatlong alarma ang sunog at alas-2:40 ng hapon nang idineklarang under control.

Ani Supt. Pacis, nasa 30 bahay sa Sitio San Roque ang naabo habang 40 naman sa Phase 3, Bgy. Manuyo.

Wala namang nasawi o nasugatan sa insidente habang umaabot sa P150,000 halaga ng mga ari-arian ang napinsala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page