top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mag-amang Duterte, sopla kay Miss Universe 2018 Catriona Gray

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 23, 2019
  • 1 min read

GINAGAMIT NI CARDEMA ANG POSISYON NIYA PARA MAGING CONGRESSWOMAN ANG MISIS NIYA—Ang chairman ng National Youth Commission (NYC) na si Ronald Cardema at ang first nominee ng partylist na ito na si Ducielle Marie Suarez-Cardema ay mag-asawa.

Malinaw na may conflict of interest ito dahil opisyal ng gobyerno si Cardema na may kontrol sa pondo nito tapos nangangampanya siyang iboto ang Duterte Youth Partylist para maging congresswoman ang misis niya.

Kaya kung may natitira pang hiya sa sarili si Cardema, dapat mag-resign na siya sa puwesto, now na!

◘◘◘

NYC CHAIRMAN CARDEMA, ‘UNTOUCHABLE’ SA DUTERTE GOV’T.? —Malinaw na paglabag sa kautusan ni P-Duterte ang pangangampanya ni Cardema sa Duterte Youth Partylist para manalong congresswoman ang kanyang misis, dahil ayon sa utos ng pangulo, bawal sa mga opisyal ng gobyerno na mangampanya sa pinapaboran nilang kandidato.

Ngayon, kung walang gagawing aksiyon si P-Duterte laban kay Cardema, lalabas na napaka- "untouchable" nito (Cardema) sa Duterte gov’t., buwisit!

◘◘◘

MAG-AMANG DUTERTE, KINONTRA NG MISS U.—Kinontra ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang kagustuhan ng mag-amang P-Duterte at Mayor Sara Duterte-Carpio na ituring na kriminal ang mga batang gumagawa ng labag sa batas, dahil ayon sa Miss U., sa halip pag-initan, dapat alamin ng Duterte gov’t. ang dahilan kung bakit nakagagawa ng mali ang mga batang mahihirap at pagkaraan ay arugain upang kung anuman ang pangarap nila sa buhay ay matupad.

Buti pa ang Miss U, may pagpapahalaga sa mga batang maralita, pero ang mag-amang Duterte, wala!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page