Lolo tiklo sa boga at mga bala
NUEVA ECIJA—Isang 61-anyos na lolo ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng baril at mga bala, kamakalawa sa Bgy. Bayanihan, Gapan City sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Salvador Gine, residente ng naturang barangay.
Ayon sa ulat, sinalakay ng mga awtoridad sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ang bahay ni Gine at dito nakumpiska ang baril at mga bala.
Nakapiit na si Gine at sinampahan na siya ng kasong illegal possession of firearm and ammunitions at paglabag sa election gun ban.





Comments