Jinkee, todo-iyak daw… MANNY, AYAW MATULAD SA KANYA ANG MGA ANAK
- BULGAR

- Feb 23, 2019
- 1 min read

Tutol pala ang boxing champ na si Manny Pacquiao sa pagiging boksingero ng kanyang junior na si Emmanuel or Jimuel.
Sabi ni Pacman, “Kaya ako naging boksingero ay dahil gusto kong makaahon sa hirap. Hindi niya kailangan ‘yun. Ang mommy niya, umiyak nang husto at ayaw niya itong maging boksingero.”
But the younger Pacquiao insisted na passion niya ang pagiging boxer tulad ng kanyang ama.
Manny himself told people na hangga’t maaari, iniiwasan niya na may anak siyang magmana ng kanyang pagiging boxer.
“Hangga’t maaari, iniiwasan naming may mga laruang gamit sa boksing sa bahay. May laruan para sa basketball, pero walang gloves o bagay na may kinalaman sa boksing.”
What’s surprising, sa ngayon, gustong mag-aral ni Pacman at magtapos ng kolehiyo. And here is his son who has all the opportunity to study whatever course he wants, pero ayun, gustong maging another boxing champ.
But will history repeats itself? Just like his father, can Jimuel be another boxing champ?





Comments