Japan tinamaan ng magnitude 5.5
Jersey Sanchez
Feb 23, 2019
1 min read
MAGNITUDE 5.5 na lindol ang yumanig sa Hokkaido, Japan.
Batay sa impormasyon, naganap ang pagyanig alas-9:22 ng gabi (local time) at may lalim na 41 kilometro.
Naitala ang episentro ng lindol sa 55 kilometro southeast ng Sapporo City.
Gayunman, ayon sa Japanese Meteorological Agency, walang banta ng tsunami habang wala ring napaulat na pinsala matapos ang lindol.





Comments