Death toll sa ebola virus, umakyat sa 537
- Jersey Sanchez
- Feb 23, 2019
- 1 min read
UMABOT na sa 537 ang namamatay dahil sa Ebola virus sa Democratic Republic of The Congo.
Batay sa ulat ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA), ang naturang bilang ay mula sa 844 kaso na tinamaan ng Ebola mula noong Agosto 2018.
Gayunman, ayon kay spokesman for UN Secretary-General Antonio Guteres na si Stephane Dujarric, nanawagan ang DRC Ministry of Health para sa US$147 milyong tulong sa loob ng anim na buwan.
Hindi naipaliwanag ng opisyal ang kabuuang sitwasyon sa lugar ngunit, pahirapan ang pagresponde sa Ebola case dahil umano sa problema sa seguridad ang kakulangan ng pagtitiwala ng mga residente.
Samantala, ayon sa Center for Infectious Disease Research and Policy (CIDRAP) sa University of Minnesota, nasa 80,000 katao sa DRC at kalapit na bansa ang sumailalim sa vaccination.
Ayon sa mga eksperto, ang Ebola ay isa umanong deadly disease mula sa virus na may limang strains kung saan ang apat nito ay nagdudulot ng sakit.
Gayundin, pinapatay nito ang cells, winawasak ang immune system hanggang sa magdulot ng internal bleeding at tuluyang masira ang iba pang organs.





Comments