Ayon sa mga eksperto... PAKIKINIG SA RAP AT HIP-HOP, GOOD SA HEALTH!


KAHIT magulo at mahirap sabayan, eh, bet na bet pa rin natin ang mga kantang mabibilis ang beat. Ito ay dahil nakapagpapasigla at mas nararamdaman natin ang bawat lyrics na relatable talaga. Pero, alam ba ninyo na dehins lang ito simpleng rap o hip-hop dahil ang mga ganitong klase ng musika ay may maganda ring naidudulot sa ating mental na kalusugan? Talaga ba?
Sa panahon ngayon, maski ang mga bagets, eh, kayang-kaya ng sabayan ang mga rap na nakikita at naririnig nila sa TV, radyo at social media. ‘Yung tipong kahit dehins kabisado ang kanta, eh, nakabibisado dahil paulit-ulit ng pinatutugtog na tumatatak talaga sa isipan ng marami. Iba na talaga ang henerasyon ngayon! Ha-ha-ha!
Gayunman, ayon sa mga eksperto, ang rap umano ay nagpapa-realized sa atin ng self-worth, lalo na ‘yung mga dumaranas ng depresyon.
Ayon sa mga dalubhasa, sa pagra-rap umano ay mas nagiging humble ang tao dahil karamihan sa nagiging lyrics nito ay tungkol sa pinagdaanan ng tao hanggang sa estado niya ngayon kung saan siya ay nagtagumpay sa buhay.
Dagdag pa rito, ang tema ng rap ay ang mga pinagdaanan sa nakaraan kung saan ang mga taong makaririnig nito ay posibleng maging thankful sa kanilang buhay.
Maliban pa rito, ayon sa pag-aaral, ang mga taong mahilig sa rap at hip-hop ay mas nagpapakatotoo dahil sa pamamagitan nito ay unti-unti nilang tinatanggap kung sino talaga sila bilang tao.
Samantala, ang mga taong madalas na nai-stress at inaatake ng anxiety ay gumagaling sa pamamagitan ng mga rap music na nakatutulong sa kanila, bagama’t, hindi ito kalmadong kanta, eh, mas tumatapang umano ang kanilang kalooban kung saan imbes na dibdibin nila ang mga problema ay hindi na nila ito masyadong naiisip pa.
Kaya ang payo ng mga eksperto, kung pakiramdam ninyo, eh, pinanghihinaan kayo ng loob, make sure na makikinig kayo ng mga rap at hip-hop.
Oh, ayan, mga beshy, ngayong alam na natin ang mga benepisyong naitutulong ng rap sa ating kalusugan, hindi na natin kailangang mag-worry.
Basta make sure lang na walang mura o mga bastos na salita ‘yung rap na pipiliin nating pakinggan, ha? Gets mo?





Comments