Tserman todas sa riding-in-tandem

PATAY ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Lumban Bridge, Bgy. Maytalang-1, Lumban, Laguna.
Kinilala ang biktima na si Ramir Evangelista, residente sa naturang lugar.
Batay sa report, alas10:30 ng umaga, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at huminto sa nasabing tulay.
Habang kausap nito ang kanyang ka-barangay nang biglang lumapit ang mga suspek at agad pinagbabaril ang kapitan bago nagsitakas.
Nadala pa ito sa pagamutan subalit, idineklarang dead-on-arrival.





Comments