top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Suv vs. jeep, 8 nadale

Gina Pleñago
Feb 22, 2019
1 min read

WALO katao ang nasugatan kabilang ang driver ng Sports Utility Vehicle (SUV) at jeepney matapos magbanggaan ang dalawang sasakyan sa Pasay City, kahapon ng umaga.

Dinala sa San Juan De Dios Hospital ang mga biktima na sina Amron Ambug, Mark Anthony Jebulan, Leo Matt Alcaraz, Ariel Ocenado, Jana Doquillo, Alfonso Balagoon, Marionne Angelou Ocampo Tapia, driver ng Toyota RAV 4 at Kenneth Acedo Managan, PUJ driver sanhi ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa report ni SPO3 Murillo, naganap ang insidente sa panulukan ng EDSA at Macapagal Boulevard bandang alas-6:00 ng umaga.

Galing ng EDSA Taft at papuntang Mall of Asia (MOA) ang jeep na minamaneho ni Managan habang nagmula naman sa Macapagal northbound lane ang SUV na minamaneho naman ni Tapia nang biglang nagkabulagaan sa nabanggit na intersection.

Sa lakas ng pagkakabangga ng SUV, tumagilid pa sa kanan ang jeep na ikinasugat ng driver at ilang pasahero nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page