Superstar, may bagong pasabog… GINAWA NI NORA SA SERYE, PINAGPIPIYESTAHAN NG MADLANG PIPOL


NAG-TRENDING sa social media ang napakagaling na eksena ni Ms. Nora Aunor sa seryeng Onanay nang ibuhos niya ang kanyang emosyon matapos mamatay ang kapatid niyang si Dante (Gardo Versoza).
Iba’t ibang klaseng acting ang ipinamalas ng premyadong aktres at maraming viewers ang humanga sa ginawa niyang atake sa nasabing eksena.
Sa mga pelikulang pinagbidahan noon ni La Aunor, markado ang kanyang role. Ilang Best Actress awards na ang kanyang nakamit sa panahon ng pananatili niya sa showbiz.
Nora Aunor in every inch is a very good actress, a total performer. Hindi matatawaran ang passion na ibinibigay niya sa bawat role na kanyang ginagampanan.
Subok na subok na ang husay ni La Aunor sa mahigit na apat na dekada niya sa movie industry. Nagampanan na niya halos lahat ng roles.
Nang kunin si Aunor para sa seryeng Onanay kasama sina Cherie Gil, Gardo Versoza, Jo Berry, Wendell Ramos, Mikee Quintos, Kate Valdez at Rochelle Pangilinan, nag-expect ang mga viewers ng isang maganda at de-kalidad na serye. At hindi naman sila nabigo!
Nagpapalakpakan sa tuwa ang mga Noranians nang mapanood ang heavy scenes ng idolo nilang Superstar sa seryeng Onanay.
Waging-wagi ang death scene ni Gardo na nag-trending at napanood sa bawat sulok ng ‘Pinas.
Ang young Kapuso actress namang si Kate Valdez na gumanap bilang si Natalie (na anak ni Jo Berry) ay napansin din sa kanyang husay sa pag-arte. Hindi siya nagpakabog kina Nora Aunor, Cherie Gil, Gardo Versoza, Wendell Ramos at Jo Berry.
Imagine, nakaya niyang taray-tarayan sa eksena si Ms. Cherie at may eksena pang naitulak niya ito sa sobra niyang galit dahil sa mga pinaggagawa ni Helena (Cherie) sa kanyang tunay na pamilyang sina Onay, Maila (Mikee) at Nelia (Nora)?





Comments