SUPER CRUNCH, ‘DI MATIBAG, KYUSI SA 6TH SPOT NG MPBL


SERYOSO ang Makati Super Crunch sa bawat laro nila kung kaya habit na nila ang magwagi sa MPBL Datu Cup. Sa may 14 na diretsong laro, muling nakapambiktima ang Super Crunch at idinagdag ang Laguna Heroes sa listahan matapos ang 76-65 win noong Miyerkules ng gabi sa Blue Eagle Gym sa Quezon City.
Dahil sa panalo nakabalik ang Makati sa second spot ng northern division ng torneo ni Senador Manny Pacquiao habang commissioner si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes.
Hawak na ng Makati ang impresibong 20-4 card at nagbabanta nang isara ang elimination round ng isa pang panalo na dapat paghandaan sa next game ng Quezon City. Nakabawi ang Kyusi sa masamang laro at nagtala ng 80-71 victory kontra Imus sa 2nd game.
Kasunod ng huling panalo, nasa 6th spot na ang Kyusi sa 11-11 record sa northern division. Nabalanse ng Kyusi ang opensa dahil sa big guns sa line-up.
Nakapagtala ng double-double performance sina Jay Collado, 14 puntos at 11 rebounds at si Hesed Gabo ay may 14 marka at 11 assists habang si Mon Mabayo ay produktibo rin sa 13 puntos at 6 rebounds. “We really need this one. Right now, we’re at No. 6 and hopefully, we could move farther,” ayon kay Q.C. coach Vis Valencia. (MC)





Comments