SIKRETO NI GOLDEN GIRL DIAZ, STRICT DISCIPLINE SA TRAINING

MAAARI nang ituring na isang global figure sa larangan ng pagbubuhat ang Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz matapos itong muling maitampok sa website ng world governing body ng isport na International Weightlifiting Federation o IWF.
Sa artikulong “Get To Know . . . Hidilyn Diaz”, ipinakita ang iba’t-ibang aspeto ng personalidad ng Pinay na gumawa ng kasaysayan bilang pinakaunang babaeng atleta mula sa ‘Pinas na nagwagi ng isang Olympic medal. Ilan din sa mga binanggit dito ang hilig ni Diaz sa pop music, ang kanyang training sessions kada linggo na kinabibilangan ng siyam na pagbisita sa gym at tatlong sessions ng pagtakbo.
Umamin din ang Pinay na ang pinakaboritong parte ng kanyang pag-eensayo ay kapag naiiyak na siya sa sakit at sa hirap na nararamdaman niya pero wala siyang magawa dahil kailangan niyang aminin na dapat na muna siyang magpahinga para sa araw na iyon.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na itinampok si Diaz sa website. Pitong buwan pa lang ang nakalilipas nang maglaan ng isang artikulo para sa pagkakapanalo ng Pinay ng gold medal sa 2018 Asian Games sa Indonesia. May pamagat na “Hidilyn Diaz Reveals SacrificePath To Golden Glory”, nabanggit sa artikulo ang mga hirap na dinanas ni Diaz para lang makamit ang ginto tulad ng pag-iwas sa pagkain ng paborito niyang cheesecake at pag-inom ng bubble tea kasama ang mga kaibigan at dapat ay araw-araw ang ensayo.





Comments